BATANGAS – Arestado ng mga awtoridad nitong Martes ng hapon ang isang barangay tanod na umano’y suspek sa panggagahasa at pagpaslang sa 15 -anyos na estudyanteng gumawa ng module sa Laurel ng bayang ito.
Natukoy ni Police Capt.Errol Frejas , hepe ng Laurel Municipal Police Station ang suspek na si Rufo Sangalang , isang barangay tanod ng Bgy. Sta. Maria.
Base sa nakasaksi nakita nito ang suspek at estudyante na huling magkasama ngunit mariin namang pinabulaan ito ng suspek .
Matatandaang, nakita ang bangkay ng biktima noong Lunes sa isang liblib na lugar na walang saplot at katabi ang kanyang mga modules.
May indikasyon umanong ginahasa muna ito saka sinakal ang biktima dahil sa nakitang mga bakas sa kanyang leeg. Sa salaysay ng kanyang mga kaanak, Lunes ng umaga nang magpaalam ito na pupunta sa kanyang kaklase upang gawin ang kanyang mga modules . Pagkatapos nito ay dinaanan ang kanyang alagang baka upang pakainin ngunit inabot na ng gabi ay hindi pa rin ito nakakauwi ng kanilang bahay.