MetroSunDaily

REAL NEWS * REAL TIME

Babae patay sa nagselos na live-in partner

PATAY sa saksak ang isang babae matapos umanong maburyong ang livein partner nito dahil sa pagkabaon sa utang at selos kung saan ang biktima ang napagbuntunan ng galit sa Laguna.

Tadtad ng saksak ang biktimang 22-anyos ng kanyang ka-live-in, 27.

Ayon sa report, nagbabangayan ang dalawa bago ang insidente dahil lubog umano sa utang ang suspect dahil sa online sabong at selos sa kinakasama, bandang alas-10 ng gabi noong Linggo.

Nagtamo ng stab wounds sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang babae at namatay rin habang ginagamot sa Nagcarlan District Hospital.

Ayon sa pamilya ng biktima, balisa ang suspek nitong mga nakaraang araw dahil problemado sa utang sa online sabong o pagtatalpak.

Nakakulong na sa Liliw municipal police ang suspect.

Find this content useful? Share it with your friends!