
PATAY na nang matagpuan ang isang babae sa loob ng motel sa Maynila, Biyernes ng umaga.
Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Charmaine Medina, ng Lallana Extension, Tondo, Manila. May tama ito ng bala nang matagpuan, ayon sa mga pulis.
Sinasabing dating pulis na karelasyon ng biktima ang suspect. Kinilala itong si Rogelio Magsino Jr., tumakas itong naglalakad lang palabas ng motel.
Ayon sa report, nag checkin ang biktima, 32, at ang suspect noong Huwebes. Wala rin umanong narinig na komosyon sa loob ng silid ngunit magulo ito nang datnan ng mga imbestigasyon. Nagkaroon pa umano ng inuman ang dalawa sa loob ng silid.
Kinabukasan nang makita sa CCTV na mag-isang umalis ng motel ang lalaki.
Sinabi pa na dating karelasyon ng biktima ang suspect at may isang anak ang mga ito.
Pinuntahan ng pulisya ang bahay ng suspect ngunit wala na ito roon.
Isa umanong dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang suspect na patuloy pang inaalam ang status nito.
Sinabi naman ni MPD-Homicide Sectionchief, P/Captain Dennis Turla na kinukumpirma pa nila kung dismissed o AWOL sa serbisyo ang nasabing suspect.