MetroSunDaily

REAL NEWS * REAL TIME

Away sa lupa: 5 patay sa taga, baril sa Bukidnon

LIMA katao ang patay, kabilang ang 11-anyos, matapos pasukin ng anim kataong armado ng baril at itak ang kanilang bahay sa Barangay Songco sa Lantapan, Bukidnon.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Rocky Cruz, 33; Rachel Cruz, 19; Winlove Sinto Talino, 30; at Saliyawan Pina, 11.

Patay din nang tagain sa mukha si Daniel Lugnasan, 54.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Jeroen Pulido na naisugod pa si Pina sa ospital ngunit namatay din makalipas ang ilang oras nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, posible umanong away sa lupa ang dahilan ng krimen.

Tatlo sa anim na suspect ang naaresto na at patuloy na iniimbestigahan.

Find this content useful? Share it with your friends!