MetroSunDaily

REAL NEWS * REAL TIME

Alex Gonzaga inulan ng bashing sa 35th birthday: Bastos, insensitive

SA halip na mga pagbati, kaliwa’t kanang pambabash ang inabot ng vlogger na si Alex Gonzaga dahil matapos kantahan sa birthday salubong, kumuha ito ng chocolate icing sa cake at ipinahid sa noo ng waiter na may dala nito.

Makikita sa mukha ng waiter ang pagkabigla at hiya sa ginawa ni Alex habang nagtatawanan ang mga tao sa paligid. Ang video ay ini-upload ng anak ni Marjorie Barretto pero deleted na ito.

Hindi naman ito nakaligtas sa mga netizens na nagpa-viral nito.

Sa video ay tila sinorpresa nila si Alex sa isang condo sa Rockwell, Makati at sa pangunguna ng kanyang asawang Konsehal na si Mikee ay sinalubong ng mga ito ang kaarawan ng vlogger.

Maraming netizen ang naawa sa waiter na may dala ng cake na halatang nagulat sa inasal ng vlogger.

Ilan sa mga ito ang nagsabing napakabastos ni Alex at insensitive. “Alex gonzaga is that type of person who thinks nadadaan lang sa joke ang lahat. she thinks she’s being funny when in fact she’s actually rude, insensitive, and disrespectful. apaka bastos.”

“Girl wtf? That’s not nice tbh. Felt bad for kuya! Alex Gonzaga has zero manners, and she won’t give a fu*k about our comments, she’ll continue to do the same thing. People should unsubscribe her as a way of telling her to stop that kanal ugali.”

“You can’t treat people like dirt yet worship God at the same time. It’s hypocrisy, Alex Gonzaga.”

Find this content useful? Share it with your friends!