NAGPAKALAT ng kilig ang aktor na si Alden Richards nang dumating sa surprise party ni Kathryn Bernardo.
Trending din ang picture ng dalawa kung saan iniaabot ni Alden ang bulaklak kay Kathryn.
Nagbigay ng surprise party ang glam team at close friends ni Kathryn kung saan bumulaga ang aktor sa gitna ng celebration bitbit ang napakalaking bouquet of red roses at gift
Maging si Kathryn ay hindi naitago ang kilig na nakunan pa ng video.
Palong-palo sa mga close friends ni Kathryn si Alden na siya lang ang celebrity ‘friend’ na lalaki ang invited sa birthday bash ng aktres.
May mga pictures din na naglabasan kung saan yakap na yakap si Alden kay Kathryn na tila happy naman ito sa ginagawa ng aktor.
Sa mismong birthday ng aktres na ginanap sa Palawan ay present din si Alden.
Nanliligaw o nag-iingay lang
Sa mahalagang okasyon ng dalaga ay laging naroon ang aktor dahilan para magduda na ang mga fans kung nanliligaw na nga ba si Alden.
Hindi naman malayong mangyari iyon dahil single na ang aktres matapos nitong tapusin ang 11 taong relasyon sa ex na si Daniel Padilla.
Pero marami din ang hindi sumasakay sa pakulo ng dalawa lalo pa’t maugong din ang balitang magkakaroon ng part 2 ang mega hit na Hello, love goodbye at this time ay sa Canada naman isu-shoot at si Direk Cathy pa rin ang director ng pelikula.
Maugong din ang balitang magiging entry ang part 2 ng HLG sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 25.