HIGIT 53,000 students-in-crisis ang nakatanggap ng tulong sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan nitong Sabado, August 20.
Base sa datos ngayong araw, ika-22 ng Agosto 2022, 8:48 AM, higit Php 154 million ang halaga ng naipamahaging assistance ng DSWD sa mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang tulong para may pandagdag sa pambili ng school supplies at iba pang kagamitan sa pagsisimula ng pasukan ngayong araw.
Ang Educational Assistance na nasa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay layong tulungan ang mga student-in-crisis o mga mag-aaral na nasa krisis o emergency situations.
Nagsasagawa ngayon ang DSWD ng payout sa mga kwalipikadong mag-aaral hanggang September 24.
