TATLO katao ang binaril at napatay ng gunman sa Taguig City, Linggo ng umaga.
Ayon sa report ng Taguig City Polcie Station, naganap ang pamamaril bandang alas-3:20 ng madaling araw sa loob ng transient house in Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.
Kinilala ang mga biktima na sina Marie Angelica Belina, 25, isang overseas Filipino worker; Mark Ian Desquitado, 35, Grab driver; at Tashane Joshua Branzuela, 22, estudyante.
Naisugod pa si Branzuela sa Taguig Pateros District Hospital ngunit namatay din ilang minuto ang nakalipas.
Ayon sa mga saksi, narinig na lamang nila ang sunud-sunod na putok at nang puntahan ay nakita na nilang nakahandusay ang mga biktima.
Iniimbestigahan pa ang kaso at nananatiling blangko ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng suspect.
