Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Ambag ng media kinilala, pinasalamatan ng Komisyon sa Wikang Filipino

Ni Chjris Lucas
admin July 30, 2022

PINASALAMATAN ni Direktor Heneral Arthur Cassanova, ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang mga mamamahayag dahil sa papel na ginagampanan nito sa papapalaganap ng ating sariling wika.

Ito ay ipinahayag niya sa isang pulong-balitaan ng Komisyon sa Wikang Filipino na ginanap sa bulwagan ng Philippine Information Agency kahapon, ika-29 ng Hulyo sa lungsod ng Quezon.

Tinuran naman ni Benjamin Mendillo Jr., Komisyoner, Pangasiwaan at Pananalapi ng KWF, na ang media ay ang gulugod sa pagpapayabong ng wika.

Dagdag pa nya, ang mga mamamahayag ay ang padron ng mga kabataan upang maging huwaran sa paggamit ng wikang Filipino.

Kaugnay nito, isinusulong ng KWF ang pagsasaayos ng repositoryo ng ating wika sa pamamagitan ng pagtataguyod ng online version ng mga saliksik, manuscript at dokumentasyon ng komisyon. Sa digital repository, matatagpuan ang mapa ng wika, kung saan nakasaad ang distribusyon ng wika sa buong kapuluaan, diskripsyon ng wika, mga populasyon ng gumagamit ng partikular na wika at iba pang detalye.

Ang naturang hakbangin ay nauugnay sa pang-angkop ng komisyon sa makabagong panahon kung saan halos lahat ay digital na.

Sa pamamagitan nito ay magiging madali at malawakan ang pag-akses ng mga Pilipino, mga eksperto, etnikong grupo na nagmamay-ari ng wika, mga mag-aaral at mga mananaliksik. Ang pulong -balitaan ay pangunahing hakbangin ng Komisyon bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Buwan ng Agosto.

Tags: media

Post navigation

Previous TESDA to provide assistance to quake-hit areas
Next PH Red Cross intensifies response operations after magnitude 7.0 quake

Related Stories

House OKs Kalinga Act, eyes faster response to fuel crises and inflation
  • Nation

House OKs Kalinga Act, eyes faster response to fuel crises and inflation

Malacañang declares ICC arrest warrant vs Dela Rosa valid after SC ruling
  • Nation

Malacañang declares ICC arrest warrant vs Dela Rosa valid after SC ruling

House approves anti-political dynasty bill on second reading
  • Nation

House approves anti-political dynasty bill on second reading

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 21 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.