INIULAT ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na 35 eskwelahan sa 15 school division offices mula Luzon ang nagtamo ng pinsala sa imprastraktura matapos ang magnitude 7.0 na lindol sa Abra at kalapit na mga lalawigan nitong Miyerkoles ng umaga.
Ayon sa paunang Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng ahensya, mayroong 11 nasirang paaralan mula sa Rehiyon III (Gitnang Luzon), siyam mula sa Rehiyon II (Cagayan Valley), walong paaralan mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), at pitong paaralan mula sa Rehiyon I (Rehiyon ng Ilocos) ang napinsala ng lindol kahapon.
Isiniwalat sa ulat ng DRRMS na ang inisyal na tinatayang halaga para sa muling pagtatayo at rehabilitasyon ng mga nasirang paaralan ng lindol ay nasa P228.5 milyon.
Bukod dito, may humigit-kumulang na 8,027 ang apektadong paaralan o mga paaralan sa mga lugar na naiulat at may instrumental intensity sa Earthquake Information ng PHILVOCS o naiulat na may mga nasawi.
Dumalo ang Kagawaran sa 1st Response Cluster Meeting at sumali sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Virtual Emergency Operations Center para mas masuri ang sitwasyon ng mga apektadong rehiyon dahil sa lindol.
“Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon ang bansa sa pagdarasal para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa gitna ng magnitude 7.0 na lindol sa Abra.”
Nanawagan ang DepEd ng isang emergency meeting kasama ang mga Regional at Division DRRM Coordinators ng mga apektadong rehiyon para magprisinta ng mga updates at mga aksiyon na isinagawa ng kanilang tanggapan.
Nakipag-ugnayan din ang DRRMS sa field DRRM Coordinators para makuha ang pinakabagong updates sa bilang ng mga apektadong mag-aaral, guro, at non-teaching personnel.
Ang epicenter ng lindol, na ikinategorya ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology na tectonic, ay matatagpuan sa Tayum, Abra. Naramdaman ang Intensity VII sa Bucloc at Manabo, Abra (naiulat), at lungsod ng Vigan
