SA Barangay Alanib, Lantapan, Bukidnon ay napipilitan nang itapon ng mga magsasaka ang inani ng mga kamatis dahil hindi na maibenta. Karamihan sa kahon-kahong kamatis ay mga hinog na at malapit nang mabulok. Sa kabuuang 158 kahon ng kamatis, nasa 56 kahon ang hindi naibenta sa merkado. Galing pa umano sa Cagayan de Oro ang inaning mga kamatis. Napakamura din umano ang bentahan ng hilaw na kamatid na kung dati ay nasa P800-P1,700 kada kahon noon, ngayon nasa P200-P250 kada kahon na lang sa hilaw na kamatis, habang P100-P150 naman sa mga hinog na kamatis. (Photo courtesy: Penong Sebuya Gonzales)
