Isa ba kayo sa nakigulo at nakiusyoso sa higanteng buwaya na nakita sa Antipolo, Marikina, Pasig at Mandaluyong?
Ito si ‘Dakila’ ang animatronic crocodile sa nalalapit na action-adventure teleserye.
Ayon sa 24 Oras, ang buwaya ay itinali sa truck at agad lumikha ng kagulugan sa mga tao. Nag kanya-kanyang kuha ang mga ito at nag-viral online.
Ang huling yugto ay — ipinarada ang truck sa GMA Network Center in Quezon City, kung saan ang Lolong star na si Ruru Mardrid ay nagpakuha ng larawan katabi ang buwayang sidekick.
Si Dakila ang sinasabing pinakamataas na sahod na aktor sa serye. Ang kanyang katawan ay gawa sa fiberglass at ang balat nito ay gawa sa silicone.
Aabot sa 14 katao ang kailangan para paganahin ang hydraulic system na magpapakilos dito.
