Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Oplan Laglag Pangalan

admin June 20, 2022

HINDI na bago ang usapang SOP sa mga proyektong nakukuha ng mga kontratista sa pamahalaan.

Kung ilang porsyento, depende sa halaga ng proyekto – o ‘di naman kaya’y sa takaw ng kausap na taong gobyerno. Pero sa Department of Education (DepEd), iba ang kostumbre ng isang sindikatong nagpapakilalang “pasok” kay incoming Vice President Sara Duterte na itinalaga para pamunuan ang naturang departamento.

Ayon sa isang impormanteng tulad kong probinsyano, kakaiba ang tikas ng nasabing grupo.

Magarang manamit, matamis mangusap at maagap pagdating sa pera.

Katunayan, nagawa ng naturang sindikatong kultaban agad ng tumataginting na P25 milyon ang isang kontratista kapalit ng pangakong sa kanya igagawad ni incoming DepEd Secretary Sara Duterte ang proyekto sa de-fogging ng mga silid aralan sa 47,612 public schools sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang totoo, sadyang nakaka-engganyo ang alok ng naturang sindikato, lalo pa’t P2.5 bilyon ang halaga ng naturang proyektong ikinasa ng gobyerno sa gitna ng mga ulat kaugnay ng pagdami ng mga kaso ng dengue sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa simpleng pagkukwenta, lumalabas na 1% lang ang paunang biyaya.

Ang siste, mukhang mauuwi lang sa wala ang inilabas na pera ng negosyanteng natakam sa malaking kita sa sandaling maupo na sa DepEd si VP Sara. Bakit kamo? Minsan na kasing umugong ang operasyon ng naturang sindikato.

Tumanggap ng SOP, pero hindi naman natuloy ang proyekto. Ang resulta – lumbay ang negosyanteng napurdoy!

Ang modus ng sindikato – magpakilalang “panyero” ng isang taong malapit sa puso ni VP Sara.

Kung kikilatisin ang pagkatao ng mga damuho, mapapanganga ka.

Kasi naman, totoo naman palang may kinakapitan sa kampo ng susunod na Pangalawang Pangulo.

Ang tanong – may basbas ba sila ni VP Sara?

Malinaw na wala.

Dahil kung mayroon, bakit yung pangakong proyekto para sa unang kinausap ng naturang grupo, biglang napurnada?

Eh kasi nga, nabalitaan pala ng noo’y Davao City mayor na ginagamit ng naturang grupo ang kanyang pangalan sa kabi-kabilang diskarteng bulilyaso. Kaya siya mismo nagpakansela ng proyektong ipinangako sa kontratistang kinultaban ng mga kawatan.

Sino ang puno ng sindikato? PM is the key!

Tags: defogging syndicate deped oplan sara duterte

Post navigation

Previous Ombudsman indicts father and son ex mayors, accountant, for graft
Next BSP offers highest paying jobs

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.