NAGPAKAMATAY ang isang Philippine Army captain matapos nitong barilin at mapatay ang kanyang superior officer at nakasugat ng isa pang sundalo sa loob ng kampo military sa Pili, Camarines Sur noong Sabado.
Kinilala ni Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad ang namatay na suspect na si Capt. Martin Anosa Jr. at biktimang si Maj. Garry Masedman, kapwa nakatalaga sa 5th Finance Service Field Office (FSFO) at
Sgt. Manuelo Colico Jr, isang a disbursement non-commissioned officer na sugatan sa insidente.
Sa inisyal na report, naganap ang insidente Sabado ng ala-1:30 ng medaling araw sa loob ng kampo ng the Army’s 9th Infantry Division sa Camp Weene Martillana.
Bago ang insidente, nakita umano ang suspect at ang kanyang nobya sa isang mainitang pagtatalo.
Sa gitna nito ay humingi umano ng tulong ang nobya sa biktima. Sinundan umano ng suspect ang nobya at nang makita na nakikipag-usap ito sa biktima ay agad niyang binaril ang kanyang superior.
Nagpaputok din umano ng baril ang biktima na ikinasugat ni Colico na nasa naturang lugar din.
Isinugod sina Masedman at Colico sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay ang una.
Nang mabatid na namatay ang biktima, nagpakamatay din umano ang suspect sa loob ng kanyang quarters.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
