Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Sapul kaya nanuhol

Ni Angel F. Jose
admin June 13, 2022

SA itinagal-tagal ko sa pagiging peryodista, hindi ko na din mabilang kung ilan ang aking nabira.

May mga politiko, negosyanteng mapagsamantala, mga abusadong pulis at maging ang mga bigating sindikato. Aaminin ko, kinabog ako sa una kong libelo. Dangan naman kasi nagbanta ang may-ari ng peryodiko, mawawalan ako ng trabaho pag natalo kami sa kaso.

Buti na lang, agad na nadismiss ang asunto.

Marami pang mga sumunod na libelong kalakip ng mga isiniwalat kong bulilyaso. Kamakailan lang, naisulat ko sa isang arawang peryodiko ang hinggil sa isang katangi-tanging hunyango.

Bakit kamo? Simbilis ng kidlat ang kanyang pagdapo sa kabilang kampo sa hudyat ng pagkalaos ng amo niyang politiko.

Mula sa pagiging chief of staff ng isang talunang kandidato sa posisyon ng pangalawang pangulo, patungo sa senador na kilalang malapit sa paretirong Pangulo hanggang sa pagdapo niya sa bakuran ng Bad Boy ng Pelikulang Pilipino.

Mabilasik ang hunyango. Katangi-tangi ang karisma. Matamis mangusap ang kanyang dila. Kung makakatisod ng tatanga-tangang ambisyoso, siguradong laglag agad sa patibong nito.

Ang ending, wagi ang hunyangong hayahay habang binibilang ang nakultab na pipay!

Matapos lumabas ang aking artikulo, mabilis kumalat sa Senado. Aba… instant pulutan ang hunyango sa lahat ng sulok ng bulwagang laan para mga kagalang-galang na miyembro ng Kongreso.

May mga natuwa, mayroon din namang natawa. Pero ang hunyango, deadma lang na animo’y hindi apektado.

Nito lamang Hunyo 9, nakatanggap ako ng mensahe. Hindi ko kilala pero aniya, baka daw pwede kaming mag-usap. Susmaryossep, usap lang pala eh… sige walang problema, sagot ko sa kanya. Maya-maya pa, tumawag nga. Nagpakilalang kaibigan ng hunyango. Ang kanyang hiling, tungkabin ang kolum ko sa peryodiko kapalit ng aniya’y kaunting “pabor” – with a capital P ha. Tugon ko naman sa kanya, di ko isusulat ang naturang pitak kung walang taong pumiyak, kasabay ng mungkahing magpadala ng pormal na liham na nagpapaliwanag ng kanilang panig.

Pero mapilit ang sugo ng hunyango. Dito ko na sila hinamon. Wika ko, magsampa na lang sila ng kaso sa husgado.

Bakit nga kaya may mga taong akala mo’y kayang bilhin ang lahat ng peryodista?

Dahil ba sa batid nilang kakarampot ang sweldo ng mga journo? Sa isang banda, yan naman ang totoo. Hindi ako nagmamalinis. May pagkakataong may nagpapadala sa akin ng regalo bilang pasasalamat sa anila’y naitulong ko.

Sa araw ng aking kaarawan, di rin naman nila ako nakakalimutan – isang simpleng HBD lang sa text, happy na ko. Pagtuntong ng Disyembre, may mga nag-iiwan ng “pamasko” sa tanggapan kung saan ako konektado.

Pwede naman tayo maging magkaibigan pero hindi ako for sale tulad ng akala niyo!

Tags: politiko suhol

Post navigation

Previous 2 confirmed dead after falling onto MRT-3 tracks from Pasay flyover
Next Meralco to support sustainability goals to fast-track economic growth

Related Stories

Human rights lawyer: VP Sara impeachment a ‘stress test’ for Philippine democracy
  • Opinion

Human rights lawyer: VP Sara impeachment a ‘stress test’ for Philippine democracy

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sun, 3 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.