PATAY ang isang Pilipina matapos umanong tadtarin ng saksak ng kanyang asawa sa New Jersey.
Namatay habang inooperahan ang biktimang si Janet Cinco, 44. Arestado naman ang asawa nitong si Joel Cinco, 48.
Hindi pa batid ang dahilan ng pananaksak sa loob ng inuupahang apartment ng mag asawa sa Westervelt sa New Jersey. Isinugod sa Hackensack University Medical Center ang biktima nang matuklasang duguan.
Ang suspect, ayon sa jail records, ay may mga nakambin nang kaso noong December 2020 at April 2021 dahil sa paglabag sa restraining order, unlawful possession of a weapon, terroristic threats, at third-degree aggravated assault.
Kakasuhan din ito ng first-degree murder, burglary at unlawful possession of a weapon.
