ASAHAN na ang sabayang pagmamahal ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan kasunod ng pagkatig ng Department of Trade and Industries (DTI) sa petisyong inihain ng mga negosyante para sa ipapataw na dagdag-presyo sa mga pasok sa kategorya ng “basic goods at prime commodities.”
Ani Trade Undersecretary Ruth Castelo, maglalaro sa 2% hanggang 10% ang pinahintulutan ng kanilang kawanihan.
Kabilang sa mga produktong pinayagan ng gobyernong magtaas ng presyo ang mga delata, gatas, kape, tubig at iba pa.
Dagdag pa niya, sa 212 na produktong nasa kanilang talaan, 82 bilihin sa kanilang suggested retail price bulletin ang pinayagang ng DTI na magtaas ng presyo bunsod umano ng walang humpay na umento sa presyo ng mga produktong petrolyo at maging sa halaga ng mga raw materials na ginagamit sa mga manufacturing companies.
