Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Buwagin ang NTF-ELCAC

admin November 11, 2021

NAKAAKIT ng malaking atensyon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga nakalipas na buwan dahil sa ginawang red-tagging ng mga tagapagsalita nito laban sa ilang kilalang personalidad.

Mayroon ding pagkakataong nakipagtutsadahan ang mga tagapagsalita nito sa ilang senador hinggil sa mga komunista.

Tiyak, hindi nasiyahan ang karamihan sa mga senador at kongresista sa ginawang red-tagging ng mga tagapagsalira ng NTF-ELCAC, sapagkat hindi naman ito ang kanilang gawain.

Hindi naman malulutas at matatapos ang suliranin ng pamahalaan sa paghihimagsik ng ilang komunistang Pilipino.

Red-tagging

Ang kahulugan ng red-tagging ay pag-uugnay o pag-aakusa sa mga personalidad bilang kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ang tatlo ay mga organisasyong nakikipaglaban sa pamahalaan, sa pamamagitan ng armadong pakikibaka, upang itayo ng mga ito ang pamahalaang pinamumunuan ng ilang pinuno ng CPP. Mayorya sa mga senador ay hindi nagustuhan ang ginawa ng mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC dahil nagdiin ito sa pag-akusa sa ilang kongresista at at artista bilang kasapi ng CPP, NPA at NDFP.

Walang nailabas ang mga personahe ng NTF-ELCAC na malakas, matibay at supisiyenteng katibayan laban sa kanilang mga inakusahan.

Sino ba namang mambabatas ang maliligayahan sa ginawa ng NTF-ELCAC na nagpasikat lang sa pangkat ng mga pulahang kongresistang tinawag na “Makabayan Bloc”.

Hindi natin masisi ang mga senador kung nakumbinsi silang hindi nagampanan ng NTF-ELCAC nang tama ang nakaatang sa kanila na mga gawain, tungkulin at pananagutan sa pamahalaan bilang institusyon, sa lumang adyenda at adhikain ng pamahalaan na puksain at lutasin ang suliranin sa armadong insurhensiya ng mga organisayong komunista na pinamumunuan ng CPP mula pa noong Disyembre 26,1968 at mga barangay.

Dismayado

Kapansin-pansin na hindi lang mga senador na kabilang sa oposisyon o Liberal Party (LP) tulad nina Senadora Leila de Lima, Senador Franklin Drilon at Senador Francis Pangilinan ang dismayado sa NTF-ELCAC, kundi maging ang dating mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senate President Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson.

Sa deliberasyon ng badyet ng ipinaaarubahang pondo ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon, walang naipakita ang liderato ng NTF-ELCAC na “accomplishment” ngayong 2021.

Kaya, hindi napatunayan ng NTF-ELCAC sa mga senador kung paanong ginastos ng ahensiya ang P19 bilyong pondo nito inilaan para sa 2021.

Hindi naipakita ng NTF-ELCAC ang eksaktong mga proyektong nagpaunlad sa mga barangay na ‘nakalaya’ sa kontrol ng CPP, NPA at NDFP.

Tinapyas na badyet

Kaya, ang kongkretong hakbang ng Senado sa kapalpakan ng NTF-ELCAC ay binawasan ng una ang hinihinging badyet ng huli para sa 2022.

Mula sa P28.1 bilyon, ginawa itong P24 bilyon. Inilipat ng mga senador ang P24 bilyon sa ibang pagkakagastusan ng administrasyong Duterte at ng papalit na administrasyon dito sa susunod na taon. Napakaganda ng desisyon ng mga senador dahil ang P24 bilyon ay 86 porsiyento ng P28.1 bilyon.

Mainam na ilagay ito sa mga programa at proyekto ng pamahalaan na mayroong pakinabang sa mamamayan tulad ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maraming programa ang DSWD na direktang nakatutulong sa mamamayan tulad ng ayudang pinansiyal sa mga kapus-palad na naoospital at nagkakasakit, pag-aaral ng mga batang anak ng mahihirap na mga magulang at iba pa.

Ang bilyun-bilyong pondong badyet ng NTF-ELCAC ay bahagi ng mahigit limang trilyong pondong pinaaaprubahan ng administrasyong Duterte sa Kongreso para sa susunod na taon.

Hindi nagustuhan ng NTF-ELCAC ang desisyon ng Senado. Kaya, inakusahan ng isa sa mga tagapagsalita ng ahensiya na si Undersecretary Lorraine Badoy na “elitista” ang mataas na kapulungan ng Kongreso.

Hamon ni Badoy

Hinamon ni Badoy ang mga senador na magtungo ang mga ito sa mga barangay upang matuklasan at mapagtanto ng mga ito ang trabaho ng NTF-ELCAC.

Sa muling pagkakaroon ng balita sa midya ukol sa NTF-ELCAC, natanong si Bise-Presidente Maria Leonor Robredo hinggil sa kanyang plano sa kontrobersiyal na ahensiya.

Ang posisyon ni Robredo ay ipabubuwag niya ang NTF-ELCAC kng sakaling manalo sa eleksyon para sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Ito’y dahil trabaho na ng ibang ahensiya ang ipinaatang sa NTF-ELCAC, ani Robredo.

Si Robredo na tumatakbo sa pagkapangulo para sa halalang Mayo 9,2022 pa lamang sa mga pulitiko ang napansin kong mayroong matalas na posisyon laban sa NTF-ELCAC.

Walang pakinabang

Ang pagbuwag sa nasabing ahensiya ay siyang pinakatama at pinakamahusay na nararapat na gawin, sapagkat wala namang pakinabang ang naturang organong inilagay sa ilalim ng tanggapan ni Pangulong Duterte.

Nakadagdag gastusin lang ito ng pamahalaan kada taon. Itinatag ni Duterte ang NTF-ELCAC noong Disyembre 4,2018, sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 (E.O. 70). Layunin ng NTF-ELCAC na sugpuin at lutasin ang problema sa madugong paghihimagsik ng mga komunista, sa pamamagitan ng pagharap at paglutas ng mga suliranin sa mga barangay na dating kontrolado at base ng mga rebeldeng komunista.

Ito ay resulta ng pagtigil ng pakikipag-usap ng administrasyong Duterte sa NDFP. Hindi nagtagumpay ang usapan dahil hindi nagkasundo ang dalawang partido sa mga isyung pag-uusapan at pagkakasunduan.

Nahikayat si Duterte ng ilan sa kanyang mga tagapayo na itatag ang NTF-ELCAC upang gawing lokal ang paglaban sa armadong pakikipaglaban ng mga komunista sa pamahalaan.

Nakumbinsi si Duterte na dalhin sa mga barangay ang solusyon ng pamahalaan. Subalit, mula noong itatag ang NTF-ELCAC magtatatlong taon na ang nakalipas ay wala pa itong nagawa na magpapatigil sa pakikipaglaban ng liderato at kasapian ng CPP, NPA at NDFP – kasama na ang mga nakapaloob sa mga ligal nitong organisasyon – laban sa pamahalaan.

Pondo sinasayang

Kaya, wasto lamang na buwagin ito upang huwag nang magpatuloy ang pagsasayang ng bilyun-bilyong pisong pondo ng pamahalaan.

Sana lahat ng mga naghahangad maging pangulo ng bansa mula 2022 hanggang 2028 ay pagbuwag sa NTF-ELCAC ang kanilang posisyon.

Post navigation

Previous PNP to deploy night patrols to ensure safety of carolers this Holiday season
Next Sara Duterte kumalas sa Hugpong

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 30 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.