Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

Zambales Vice Governor Jay Khonghun kinasuhan ng child abuse, slander

admin May 6, 2022

SUBIC, Zambales — Dumaranas ngayon ng trauma at labis na pagkatakot ang tatlong paslit makaraang pagsisigawan sa kanilang harapan ang kanilang ama ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun at pagbantaang ipakukulong ito kamakailan.

Bunsod nito, at sa takot na rin para sa sariling kaligtasan, nagsampa ang ama ng kasong paglabag sa Section 359 ng Revised Penal Code at Section 10(a) ng Republic Act 7610, na may kinalaman sa paninirang-puri (slander), at iba pang uri ng pang-abuso, kalupitan at at iba pang karahasan laban sa bata, ayon sa pagkakasunod.

Sa sinumpaang ‘reklamo salaysay’ ni Francisco Mas Jr., ng Barangay Aningway-Sacatihan, Subic, Zambales, inireklamo nito si Zambales Vice Governor Khonghun, na kumakandidato rin sa pagkakongresista sa unang distrito ng lalawigan.

Batay sa salaysay, noong umaga ng Abril 25, 2022, ay nagmamadaling umalis ng bahay si Mas sakay ng kanyang motorsiklo upang pumasok sa kanyang trabaho sa munisipyo ng Subic bilang maintenance personnel.

Makaraan nito ay ay nagtungo siya sa Subic gym.

Napag-alaman umano niya na nasa naturang gym si Khonghun at kapulong ang buong partido ng Khonghun Team. Nang matapos ang pulong ay lumabas ng gym ang opisyal at napansin umano nito ang isang political sticker na nakadikit sa kanyang motorsiklo.

Iyon din umano ang unang pagkakataon na nakita ni Mas ang sticker. Ipinatawag umano ni Khonghun si Mas at nang makalapit ay agad itong dinuro ng opisyal at may panggigigil na pinagsisigawan ng, “Ipakukulong kita! Namumulitika kayong mag-asawa. Sumasama kayo sa pa-meeting ni Maningding (tumatakbong mayor sa Subic).”

Sa pagpapatuloy ng ngitngit at pagsisigaw ng opisyal, tinangka pa rin umano ni Mas na ipaliwanag na walang katotohanan ang mga paratang nito, kasabay ang paghingi ng tawad.

Binaggit din nito ang tungkol sa kanyang maliliit na anak.

Ngunit tanging malakas na, “Wala akong pakialam sa mga anak mo!” ang isinagot ni Khonghun saka ito umalis.

At noon lamang umano niya napansin ang mga umiiyak na anak at bakas ang takot sa mga mukha nito.

Sinabi pa ni Mas na mula nang maganap ang insidente, hindi na umano ito nakapasok sa trabaho dahil sa banta na ipakukulong ito ng vice governor. Samantalang ang mga anak naman ay labis pa rin ang takot at ayaw nang lumabas ng bahay, hindi makatulog at hindi makakain ng tama.

Post navigation

Previous Comelec appoints new spox ‘effective immediately’
Next Groups rally to support Vape Bill to end smoking epidemic

Related Stories

Four rescued from submerged motorboats off Bohol, Maasin waters
  • Regions

Four rescued from submerged motorboats off Bohol, Maasin waters

Community journalist killed in Negros encounter; media group demands justice
  • Regions

Community journalist killed in Negros encounter; media group demands justice

2 more PNPA cadets report hazing; upperclassmen arrested
  • Regions

2 more PNPA cadets report hazing; upperclassmen arrested

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.