Courtesy PCG fb page
NAGPAPATULOY and paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos malunod ang limang bata edad 8 hanggang 12 sa Barangay Looc, Balete, Batangas kahapon, May 3.
Ayon sa MDRRMO Balete, limang bata na taga Barangay Sto. Toribio, Lipa City, Batangas ang naligo sa Taal Lake.
Isinama umano ang mga ito ng kanilang tiyahin at lolo para maligo.
Dalawa sa limang biktima na umano ang nakuha na habang tatlo pa ang pinaghahanap ng PCG search and rescue (SAR) team, MDRRMO Balete, at local officials.
Tumulong na rin sa paghahanap ang dalawang divers mula sa PCG Special Operations Group – Southern Tagalog.
