Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Poe: Mga pasahero ‘wag pahirapan

admin April 25, 2022

NANAWAGAN si Senador Grace Poe sa mga bus operator na isakatuparan ang kanilang mandato at serbisyuhan ang mga pasahero, matapos ma-stranded ang marami simula noong nakaraang linggo.

“‘Wag naman natin silang ipitin at pahirapan pa sa pag-aabang, pagbabakasakali at pagpapalipat-lipat ng masasakyan,” ayon kay Poe.

“Ang pamantayan dito ay masugid na paglilingkod sa mga pasaherong palabas at papasok ng mga probinsya na kandahirap sa pagbubuhat ng kanilang mga bagahe, kapos sa panggastos at walang lugar na matutuluyan sa Metro Manila,” paalala ng namumuno ng Senate public services committee.

Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng show-cause order sa anim na provincial bus companies para pagpaliwanagin sila sa naturang pagkaka-stranded ng mga pasahero. Nagtakda ang ahensiya ng birtwal na pagdinig sa Mayo 10.

Nilimitahan umano ng ilang provincial bus operator ang kanilang operasyon batay sa window hours na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw upang magamit ang kani-kanilang pribadong terminal sa Metro Manila. Nanindigan naman ang mga opisyal ng transportasyon na ang nasabing mga bus ay maaaring bumiyahe sa National Capital Region kahit lagpas na sa naturang mga oras patungo sa mga itinalagang intermodal terminal.

Nauna nang nag-ikot ang tanggapan ng senador sa mga intermodal transport terminal, kabilang na sa North Luzon Express Terminal sa Bocaue, Bulacan, kung saan may kakaunting bus at pasahero noong Biyernes.

“Ang masakit pa, sa halip na makatipid, mas lumaki ang kanilang gastusin sa paghahanap ng masasakyan,” sambit ni Poe.

Una nang binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng pagtatatag ng seamless connectivity sa pampublikong transportasyon para sa mas mabilis at mas kumbinyenteng pagbiyahe.

Dito nakabatay ang episyenteng mga intermodal transport terminal sa mga “istratehikong lokasyon” na madaling puntahan ng mga pasahero.

“Dapat isaalang-alang ang interes ng mga pasahero higit sa lahat. Hindi ito maaaring ikompromiso,” diin pa ni Poe.

Kasabay nito, hinikayat ng senador si Transportation Secretary Arthur Tugade na kumumpas para masolusyunan ang mga hamong kinakaharap ng mga pasahero ng pamprobinsyang bus papasok at palabas ng Metro Manila.

“Nananawagan tayo kay Secretary Tugade para maisaayos ang mga gusot sa pagbiyahe ng ating mga pasaherong pilit na binubuno ang mahabang oras sa kalsada,” saad ni Poe.

Tags: commuters poe

Post navigation

Previous Jeep nahulog sa bangin: 24 magkakaanak nasaktan kabilang ang sanggol
Next PH gov’t gets seal of good housekeeping on Covid-19 vax procurement

Related Stories

Speaker Dy: House mega-panel to craft strong Kalinga Act
  • Nation

Speaker Dy: House mega-panel to craft strong Kalinga Act

Majo Marcos calls on House to fast-track Kalinga Act
  • Nation

Majo Marcos calls on House to fast-track Kalinga Act

Pumaren flags nat’l ID delays as key barrier to transport aid amid fuel crisis
  • Nation

Pumaren flags nat’l ID delays as key barrier to transport aid amid fuel crisis

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Mon, 4 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.