NASA 24 katao magkakamag-anak ang sugatan kabilang ang isang bata at sanggot nang mahulog ang inarkilang jeep sa bangin sa Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas.
Ayon sa report, galling sa outing ang mga biktima nang maganap ang aksidente.
Sinabi ng pulista na nawalan ng giya ang jeep, bumangga sa concrete barrier at nagtuluy-tuloy sa bangin.
Galing umano ang mga ito sa Silang, Cavite nang maaksidente.
Nagkaroon umano ng reunion ang pamilya ng biktima sa pagdating ng ilang kaanak mula sa ibang bansa.
Dinala sa Jabez Medical Center at Apacible Memorial Hospital ang mga nasaktan. Kinupkop naman ng Brgy. Natipuan ang ilang mga pasaherong hindi nasaktan habang naghihintay ng sundo.
