PATAY ang mag-asawang teacher matapos itong barilin ng kanilang principal Martes ng umaga sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Matapos barilin ng principal na si Warren Escobar, 56, ang mag-asawang sina Alvarisa Arroy at asawa nitong si Christopher, kapwa 35-anyos, ay nagpakamatay din si Escobar nang barilin ang sarili.
Sinabi ni Major John Ganzon na bandang alas-8 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag sa insidente ng pamamaril sa Bilbao-Uybico National High School in Barangay Pook.
Nabatid mula kay Bottom of FormHinobaan Mayor Ernesto Estrao na galit na galit ang principal dahil inireklamo umano ito ng mga asawa sa Office of the President.
Nakatanggap umano si Escobar ng notice at pinagpapaliwanag ito sa loob ng limang araw at sinisi ang mag-asawa sa ginawang pagreklamo.
Gayunman, patuloy pang inaalan ng kapulisan ang reklamong isinampa kay Escobar.
