Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Ganansya sa basura

Ni Angel F. Jose
admin March 27, 2022

MATAPOS ang 21 taon, tila hindi pa rin kumbisido ang ilang opisyal ng pamahalaan sa peligrong dulot ng maling pagtatapon ng basura. Katunayan, kabi-kabila pa rin ang palihim na operasyon ng mga open-pit dumpsites sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kamakailan lang, isa na namang tambakan ng basura ang nadiskubre ng lokal na pamahalaan ng Taytay sa isang tagong bahagi ng Barangay Dolores sa nasabing lokalidad.

Ang siste, tatlong basurahan na ang ipinasara ng Taytay LGU nito lamang nakaraang taon sa naturang barangay na higit na kilala bilang pinakamayaman sa nasabing bayan sa maraming larangan – magandang kapaligiran at maunlad na kalakalan.

Kabilang sa unang nabulilyaso ang tatlong malaking basurahan sa Sitio Bato-bato sa gawing likod ng isang kilalang shopping mall sa kahabaan ng Manila East Road.

Ayon sa mga residente ng Sitio Bato-bato, ginawang tambakan ng mga pribadong kumpanya ang apat na ektaryang lupaing katabi ng isang residential area. Sa dami ng itinapong basura sa kanilang lugar, pahirapan ng Taytay General Services Office na hakutin at ilipat sa angkop na solid waste facility ang nasa 1.7 metrong kapal ng iba’t ibang klase ng basurang karaniwang dinadala sa oras ng kahimbingan ng tulog ng mga mamamayan.

Gayundin ang nadiskubreng basurahan sa malalim na bahagi ng Sitio Don Enrique (Paliparan) sa Barangay Dolores pa rin.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga residente ng Sitio Don Enrique, lumalabas na makailang ulit na silang dumulog sa tanggapan ni Kapitan Allan De Leon.

Sa kabila pa ng kanilang walang humpay na sumbong, deadma lang anila ang kanilang kapitan na kandidato pa naman ngayon para alkalde ng bayang higit na kilala bilang Garments Capital of the Philippines.

Bakit nga ba hindi pinapansin ni Kapitan de Leon ang mga sumbong ng mga mamamayan sa kanyang nasasakupan?

Ang malinaw lang, may nakikinabang sa mga iligal na pasilidad na yan.

Kung sino man yan, tatalupan natin sa mga susunod na yugto ng ating talakayan.

Higit pa sa pakinabang ng protektor – kundi man direktang operator ng mga nasabing iligal na tambakan ng basura, higit na angkop ang aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), isang ahensyang mandato’y tiyaking hindi nababalasubas ang kalikasan at panatilihing luntian ang kapaligiran.

Bahagi rin ng mandato ng DENR na ipatupad ng buong higpit ang Republic Act 9003 o higit na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ang tanong – may tiwaling opisyal ba ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na nakikinabang sa mga nasabing illegal dumpsites kaya hindi pa rin kinakasuhan si Kapitan?

Sa isang banda, tama lang naman panatilihing lihim ang operasyon ng mga illegal dumpsites sa Barangay Dolores lalo pa’ may nakapagbulong na may katumbas na dumping fee pala ang pagtatapon ng basura ng mga pabrikang mula pa sa mga karatig bayan.

Tags: basura taytay

Post navigation

Previous PNP reports peaceful start of 41-day campaign period across the PH
Next Deposit unused coins in banks — BSP

Related Stories

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

Preparing for the Worst 
  • Opinion

Preparing for the Worst 

House of Representatives
APRIL 14, 2026
ODDNEWS

  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet
  • Sole survivor of Air India crash recounts escape

Source: USD/PHP @ Sun, 19 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter
  2. Fcb88 Uy Tín on Former DPWH usec Cabral found unresponsive near Kennon road

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.