Several recruitment agencies urged the applicants to line up and stay overnight at DFA Aseana so that their travel documents could be expedited.
SINUSPINDE pansamantala ang walk-in para sa mga aplikante ng Apostille services sa DFA-ASEANA ngayong Miyerkules, March 23, 2022, dahil naabot na ang kayang maserbisyuhan dulot ng biglang pagdagsa ng mga aplikante kagabi.
Sinabi ng DFA na inaalam po namin ngayon ang puno’t dulo ng pangyayaring ito.
Magsisimula muli ang walk-in service para sa mga aplikante ng Apostille bukas, Huwebes, March 24, 2022.
“Muli naming pinapaalam na ang quota ng aplikante para sa walk-in ng Apostille services sa DFA-ASEANA ay 300 na katao kada araw. Nagpapapasok kami ng mga aplikante at nagbibigay ng numero simula 7 AM. Hindi po kailangang pumila sa DFA-ASEANA ng dis-oras ng gabi.”
“Pinapaalala din namin na bukod sa DFA-ASEANA, pwede ring mag walk-in ang mga aplikante para sa Apostille service sa mga sumusunod na DFA offices:
NCR West (150 aplikante)
NCR East (100 aplikante)
Pampanga (80 aplikante)
NCR South (150 aplikante)
CO Iloilo (60 aplikante)
NCR Northeast (80 aplikante)
La Union (50 aplikante)
Davao (90 aplikante)
Cebu (100 aplikante)
Cagayan de Oro (37 aplikante)
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.”

This is one of the best postings I’ve came across in quite a while. Nice work.
Finally, something worth reading. It’s always nice to find posts like this one.