NASA 141 Pinoy pa ang nananatili sa Ukraine sa harap ng krisis ng pananakop ng Russia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na 45 Filipino ang nasa Ukrainian capital na Kyiv na tumangging lumikas.
Samantala, nasa 15 ang nasa Lviv malapit sa kalapit na Poland.
Nasa 55 Filipino naman ang nasa malapit sa border ng Hungary na lumikas ngunit hindi pa handing tumawid sa ibang bansa.
“Gusto muna nila doon. Nandun yung wait-and-see attitude,” sabi ni Arriola sa interview ng Teleradyo.
“The rest of them, kalat-kalat na po… Medyo kalat-kalat sila ngayon pero marami na rin ang nakatawid,” dagdag pa nito.
Ayon pa kay Arriola, nasa 40 na ang umalis ng Ukraine.
Ilang mga Pinoy din ang bantulot pa ring lumikas at sa halip ay naghihintay pa rin kung ano pa ang posibleng mangyari. Gayunman, binigyan din sila ng tulong pinsansiyal, anuman ang mangyari, ayon pa kay Arriola.
“We’re giving more kasi maraming may hesitance kasi yung iba married talaga sa Ukranian… Nagiging mahirap sa ating mga kababayan na iwan yung kanilang pamilya. Because of the family separation, there is really a lot of hesitance,” dagdag pa nito.
Ilang namamasukang kasambahay din ang ginustong manatili sa kanilang amo.
