Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Mga sikat na vlogger pabor sa AKAP program ng pamahalaan

admin December 29, 2024

Dinagsa ng higit 3,000 benepisaryo mula sa iba’t ibang munidipalidad ng ika-5 distrito ng Leyte ang AKAP program ng pamahalaan sa Baybay City Gym, Baybay City.

IPINAGTANGGOL ng mga sikat na political vlogger ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng pamahalaan dahil kailangan daw ito ng mamamayan lalo na yung mga mga nagta-trabaho na hindi sapat ang kinikita.

Ayon sa vlogger na si Nico David, maganda umano ang AKAP dahil natutulungan nito ang mga nasa laylayan nating mga kababayan at natitiyak pa na hindi nananakaw ang pondo nito.

“Iwas corruption yan kasi alam mo na yung pera dun sa nangangailangan ang punta,” anang vlogger.

“Those who have less in life should have more in law,” dagdag pa ni David kasabay ng paggiit na Ito raw ang ginagawa ng pamahalaan ngayon sa pagpalatupad ng AKAP na siyang nagpapaigting sa social justice ng bansa.

Iginiit naman ng isa pang vlogger na si Models of Manila na ang AKAP ay magandang katuwang ng pamahalaan para sa kanilang pagpapatupad ng mga programa at polisiya para mapalago ang ekonomiya ng bansa.

“Itong mga ayuda na ito maganda po ito lalo na kung sasabayan mo ng polisiya at mga protekto para mapalago ang mga ekonomiya,” ayon sa vlogger.

Dagdag pa ni Models of Manila, ito raw ang ginagawa at layunin ngayon ng pamahalaan ni Pres. Bongbong Marcos Jr., para maiangat ang buhay ng mga kababayan natin na hindi sapat ang kita.

Sinabi naman ng vlogger na si Silver Voice of the People, na ang AKAP ay napakalaking tulong para pantawid sa mga kabuhayan ng mga kapos ang kita.

“Gaya ngayong kapaskuhan ito po ay para sa mga kababayan natin na minimum wage earner o P20, 000 pababa. Para po sa kanila malaking bagay po yan yung P3,000 hanggang P5,000 ayuda, kung tatapyasan po, kawawa naman,” paliwanag ni Silver Voice of the Philippines.

Pawang nagkakaisa ang mga vlogger na dapat ay hindi tanggalin o bawasan ang pondo ng AKAP dahil anila ay malaking tulong ito sa ating mga mamamayan na kahit papaano ay maiangat ang kanilang kabuhayan.

Post navigation

Previous Speaker Romualdez, House condole with Adiong family
Next Embassy: OFW detained for murder of Kuwaiti child

Related Stories

Madriaga fills ‘missing link’ in confidential funds trail — Chair Chua
  • Nation

Madriaga fills ‘missing link’ in confidential funds trail — Chair Chua

Swift deportation, full disclosure demanded after Zaldy Co’s arrest
  • Nation

Swift deportation, full disclosure demanded after Zaldy Co’s arrest

Chair Chua files bill to restore fuel price regulation: Ibalik natin ang power ng gobyerno
  • Nation

Chair Chua files bill to restore fuel price regulation: Ibalik natin ang power ng gobyerno

House of Representatives
APRIL 14, 2026
ODDNEWS

  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet
  • Sole survivor of Air India crash recounts escape

Source: USD/PHP @ Sat, 18 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter
  2. Fcb88 Uy Tín on Former DPWH usec Cabral found unresponsive near Kennon road

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.