REPRESENTATIVE Jude Acidre has strongly condemned the previous administration’s approach to the war on drugs, citing significant human rights violations and the tragic loss of innocent lives. “Malinaw ang mga naging problema ay nasa paraan ng pagpapatupad ng mga polisiya ng nakaraang administrasyon ukol sa pagsugpo ng illegal na droga. Sa halip na maging patas at makatarungan, naging marahas at madugo ito. Lumabag ito sa karapatang pantao at sa ating Saligang Batas,” Acidre stated.
Acidre emphasizes the need for accountability at all levels of government. “Responsibilidad natin bilang bayan na papanagutin ang mga nagkamali, kabilang ang mga nasa pinakamataas na antas ng pamahalaan—kasama na si Pangulong Rodrigo Duterte. Dapat hayaan nating umikot ang gulong ng hustisya. Kung mapatunayang may sala, dapat lamang na makulong si Rodrigo Duterte,” he asserted.
Rep. Acidre warned that failing to address these issues could undermine public trust in governance. “Ang Pilipinas ay hindi isang ‘no man’s land’—hindi ito lugar na walang batas at pananagutan. Tayo’y isang bansang itinayo sa demokrasya at pinapatakbo sa ilalim ng rule of law—ang saligan ng ating demokratikong lipunan,” Acidre noted.
He concluded with a strong call for justice: “Kailangan nating siguraduhin na ang mga nagkasala ay mananagot upang maibalik natin ang tiwala ng bayan at maitutuwid ang ating landas tungo sa isang mas makatao at makatarungang pamahalaan.”
