Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Regions

PNP may ‘hawak’ na posibleng makapagturo sa nawawalang mga sabungero

Ni Fernan A. Jose
admin February 8, 2022

NABUHAYANG muli ang pag-asa ng mga naulilang kaanak na muli nilang makikita ang mga nawawalang padre de pamilyang dinukot sa magkakahiwalay na insidente sa Maynila at mga lalawigan ng Bulacan, Laguna at Rizal.

Ayon kay Colonel Wendel Arinas na tumatayong hepe ng Calumpit (Bulacan) police station, mayroon na silang natukoy na “person of interest” na posible aniyang makapagbigay ng linaw at impormasyon kaugnay ng pagkawala ng 10 katao ilang oras matapos dumalo sa palarong e-sabong sa nasabing karatig lalawigan ng Batangas nito lamang nakaraang buwan.

Sa kabuuan, 34 katao ang naiulat na dinukot ng mga hindi pa nakilalang salarin – 10 katao ang dinukot sa magkahiwalay na insidente sa Laguna, anim sa Maynila, walo sa Rizal at ang pinakahuli ay ang pagdukot ng 10 indibiduwal sa nasabing lalawigan.

Gayunpaman, tumanggi si Arinas na iligwak ang pagkakakilanlan ng kanilang “person of interest” sa pangambang masunog umano ang isinasagawang follow-up operations na magkakatuwang na inilunsad ng Calumpit PNP, Batangas Provincial Police Office at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng naturang kaso.

Petsang Enero 6 nang idulog sa pulisya ng mga kaanak ang pagkawala nina Kagawad Edgar Malaca ng Barangay San Jose, Alexander Quijano at Atong Sacdalan mula sa bayan ng Hagonoy, matapos umanong magpaalam na dadalo sa e-sabong event sa Lipa City. Kwento pa ng opisyal, lumalabas na sakay ng isang inarkilang van ang mga biktimang tumungo sa bayan ng Cavinti para bumili ng mga panabong na manok bago tumuloy sa Batangas.

Bukod kina Malaca, Quijano at Sacdalan, hindi na rin nagawang umuwi ng magkapatid na sina Nomer at Jeffrey Depano, kapwa residente rin ng Hagonoy, pagkagaling sa Lipa.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, isinakay umano sa isa pang van sina Nomer at Jeffrey.

Bagama’t natuntong abandonado ang van sa kahabaan ng MacArthur Highway, nananatiling misteryo pa rin kung patay o buhay pa ang magkapatid.

Natagpuan din sa abandonadong sasakyan ang ilang pirasong damit at pantalon na ayon sa mga kaanak ay ang mismong suot ng mga nawawalang indibidwal. Ayon pa sa kapatid ng isa sa mga biktima, natitiyak nilang galing na sila sa Lipa batay sa narekober na ticket sa pantalon ni Malaca.

Ayon sa isang impormante, pawang sangkot sa game-fixing sa e-sabong ang mga dinukot na kalalakihan.

Ang modus, dagdag pa ng impormante, ay ang pagbibitaw ng manok na tsope (walang kakayahang manalo) sabay pusta ng malaki sa kabila. Pakiusap ng mga kaanak ng mga nawawalang biktima, Makita man lang nila ang kanilang padre de pamilya – patay o buhay.

Post navigation

Previous DENR-XI plunges into municipal waters of Don Marcelino, checks reef condition
Next Bahay ng bgy captain sa Batangas ni-raid, iba’t ibang illegal na baril nasamsam

Related Stories

PCG recovers suspected rocket debris off Cuyo, Palawan
  • Regions

PCG recovers suspected rocket debris off Cuyo, Palawan

Planned school shooting attack in Cavite prevented by student info
  • Regions

Planned school shooting attack in Cavite prevented by student info

Former vice mayor, son found dead after being abducted in Leyte
  • Regions

Former vice mayor, son found dead after being abducted in Leyte

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Mon, 6 Jul.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. Webpanda on Adiong: Marcoleta rallies should not affect VP Duterte impeachment trial
  2. Obet on House prosec Ridon brings maleta with mangoes, wigs: Not all luggage contains cash

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.