HINDI nakalusot sa mala matang-lawin na netizens ang presensiya nina Richard Gutierrez at aktres na si Barbie Imperial sa South Korea.
Nakita ang dalawa sa Myeong-dong area, isang shopping destination sa naturang bansa.
Sa Facebook ngayong araw, May 26, 2024, isang netizen ang nag-post ng mga larawan nina Richard at Barbie.
Sabi lang nito, “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji)”
Sa comments section, nagkuwento ang netizen kung paano siya nagpakuha ng selfie kay Barbie.
Hindi raw siya nakapag-selfie kasama si Richard dahil, ayon umano kay Barbie, bawal silang makunang magkasama.
Sabi ng netizen (published as is, “Gusto ko din Sana magpapic ky Boy .
“Sabi ni girl hindi daw pede mkita silang mgksama..( napaisip tuloy ko Kung ako lng b nkakilala sa knila )”
Mabait naman daw si Barbie sa kanya at nakipagkuwentuhan pa. Lalo pa raw naging interesante ang kanilang pag-uusap nang sabihin niyang Bicolana siya tulad ng akres.
Ipinanganak at lumaki si Barbie sa Daraga, Albay.
Lahad ng netizen, “Pro mabait si girl nkipag kwentuhan p konte sakin Sabi ko bicolana ang mama ko .
“Ksma din pla si mama nya ( anjan po si mama tinuro nya.) Marunong daw ko magbicol savi ko konte lng kz laking manila n ko. .”
Pagtatapos niya sa komento niya, “(life nila yan kya we respect ung choice nila Lalo n s lovelife)
“As Public figures sila if they keep secret nila dpt hindi s public area…(if ayaw nila ky cristy at ogie) “.
This was posted on celebrity website na PEP.ph.
Matatandaang una nang nakita ang dalawa sa loob ng bar sa Alabang. Kahit na medyo malabo ang video ay maaaninagan pa rin na ang dalawa an gang mga ito sa isang gastropub sa Westgate, Alabang noong January 6.
Hiwalay na sa kanyang asawa na si Sarah Lahbati si Richard.
