PATAY ang tatlo katao, isa ay bata, nang matagpuan ang mga ito sa kanilang tirahan sa Brgy. Pulang Lupa Dos, Las Piñas City.
Sinabi ng mga kapitbahay ng mga ito na may masangsang na amoy na nagmumula sa silid ng mga biktima. Agad nilang ipinaalam sa barangay at kapulisan at tumambad sa kanila ang bangkay ng mga ito.
Nakita rin ang kapirasong kahoy malapit sa mga bangkay.
Ayon sa pulisya, crime of passion ang hinihinalang motibo sa pagpaslang dahil dating livein lover ng isa sa mga biktima ang itinuturong suspect.
Arestado ang suspect matapos ang krimen.
Patuloy pang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan.
