POSIBLENG sibakin sa serbisyo ang isang pulis at girlfriend na pulis din matapos mahuling nagtatalik sa loob ng SUV sa isang parking lot ng mall sa Calamba City, Laguna.
Ang 40-anyos na pulis ay sugatan matapos itong barilin sa hita at balikat ng kanyang misis na policewoman.
Nabatid na matagal nang naghihinala ang misis ng pulis na may relasyon ito at ang policewoman. Pulis din ang mister ng policewoman na nahuli sa akto.
Isinugod sa ospital ang pulis samantalang tumakas ang gf nitong policewoman sakay ng SUV patungong Batangas.
