SA gitna ng mainit na panahon, nangibabaw ang pagmamahal sa Quiapo Church sa Maynila kung saan ikinasal ang singer na si Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.
Bongga ang kasal ni Angeline na dinaluhan ng mga bigating ninong at ninang kabilang si Manila Mayor Honey Lacuna at mga big bosses sa ABS-CBN.
Si Angeline at Nonrev ay matagal nang magkasama kung saan mayroon na silang anak na si Sylvio.
