KALIWA’t kanan ang mga sweet poses ni Kathryn Bernardo at Alden Richards sa social media.
May mga balitang pinopormahan na ngayon ni Alden si Kathryn at tila pabor naman dito ang pamilya ng dalaga.
Napabalita kasi na nililigawan din ng aktor na si Jericho Rosales ang aktres pero tila hindi pabor dito ang pamilya ni Kathryn.
Naging viral pa noon ang litrato ng dalawa na magkasama nagdya-jogging ilang linggo matapos kumpirmahin na tapos na ang 11 taong relasyon nito sa ex-bf na si Daniel Padilla.
Tila ang pagiging hiwalay sa asawa ang isa sa mga dahilan ng pamilya ni Kathryn. Matapos ang matinding heartbreak na naranasan ng dalaga ay mas iniingatan na nila ngayon ang puso ng anak. Hiwalay na rin kasi ang aktor sa ex-wife na si Kim Jones.
Hindi daw tulad ni Alden na binatang-binata at buhos na buhos na din ang atensiyon kay Kathryn.
Present si Alden sa 28th birthday ng aktres sa Palawan gayundin sa intimate get-together ng aktres.
Sa huling pagkikita ng dalawa sa house blessing ng bahay ni Kathryn ay naroroon din s Alden.
Balita pa na isinaisantabi ni Alden ang event niya ng gabing iyon makasama lang si Kathryn at pamilya nito.
Samantala, sinabi naman ni Jericho na sa ngayon ay hindi niya priority ang lovelife. Marami pa umano siyang gustong mangyari sa kanyang buhay ngayon at tila nasa dulo na ang pagkakaroon nito ng katuwang sa buhay.
