SA ikatlong magkakasunod na linggo, muli na namang tataas ang presyo ng gasolina habang magkakaroon ng rollback ang diesel at kerosene.
Sa magkakahiwalay na advisory, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na magtataas sila ng P0.45 sa gasoline habang ibababa naman ng P0.60 ang presyo ng diesel. Ang kerosene ay magbababa rin ng P1.05.
Ganito rin ang presyo ng Cleanfuel at Petro Gazz.
Magsisimula ang bagong presyo ng alas-6 ng umaga bukas, Martes, April 2 sa lahat ng gasolinahan maliban sa Cleanfuel na alas 12:01 magsisimulang magtaas ng presyo.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang ibang oil firms.
