AGARANG TUGON. Sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya, mas maagap na na tugon sa emergency cases ang garantisado sa karagdagang ambulansya para sa mga residente ng Taytay, Rizal. Bukod sa mga kalusugan, angkop din, ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, ang mga nasabing sasakyan bilang katuwang ng Municipal Emergency Response Unit (MERU) sa pagresponde sa mga sakuna. Makikita sa larawan ang symbolic turnover ng mga karagdagang ambulansya kay General Services chief Vic Badaguas (gitna) kasama ang alkalde (kaliwa) at Vice Mayor Mitch Bermundo (kanan).
