Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Rep. Tulfo: Killer landslide sa Davao de Oro napigilan kung umaksiyon nang tama ang LGU, OCD

admin March 12, 2024

KINASTIGO ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang Office of Civil Defense maging ang local government unit ng Maco, Davao de Oro dahil sa kapabayaan sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro na ikinamatay ng 98 katao habang siyam pa ang nawawala.

Sa pagbubukas ng pagdinig ukol sa imbestigasyon sa naganap na trahedya, ng House Committee on Disaster Resilience na pinangunahan ni Rep. Zia Alonto Adiong ng 1st District ng Lanao del Sur , Iginiit ni Tulfo, ng ACT-CIS partylist na kung umaksyon ng tama ang local government at Office of Civil Defense, posibleng naagapan at hindi nagana pang nasabing landslide.

“Maraming insidente ng landslide bago yung mismong landslide na marami ang namatay. Kung ginawa nila ang trabaho nila hindi ito mangyayari,” ani Tulfo sa pahayag.

Ibinunyag ni Tulfo sa pagdinig na bago naganap ang trahedya sa naturang lugar, serye ng landslide ang naitala sa Maco, Davao de Oro base na rin sa sumbong sa kanyang tanggapan ng IP (Indegenous People) communities sa lugar.

Nabatid na nagkaroon ng landslide nitong Enero 12 at 13, 2023 sa Purok Waling-Waling, Bgy. Mainit; Marso 2023 sa Purok Durian, Bgy. Mainit. Tatlo pang landslide pa ang naitala nitong Enero 2024 na ikinamatay ng isa katao sa iba’t ibang lugar sa Maco o ilang araw bago ang malagim na trahedya sa Maco nitong Pebrero 6.

Nang tangunin ni Tulfo si Maco Mayor Voltaire Rimando at Warren Lucas ng Operations Service ng Office of Civil Defense (OCD), kapwa nila inamin na hindi nakarating sa kanila ang ulat ng mga naturang landslide.

Tanging ang Mines and GeoSciences Bureau lamang ng DENR ang nagsabi na nakarating sa kanila ang mga ulat ng landslide sa lugar.

“Wala rin? So mga walang silbi ang mga ahensya natin. Walang silbi ang OCD buwagin na lang natin siguro. Maging siguro itong munisipyo. So gawa-gawa lamang ng mga IPs itong report sa akin na may mga landslide tayo,” galit na pahayag ni Tulfo.

Hindi naman nagustuhan ni Adiong ang sagot ng OCD na nakatatanggap lamang sila ng report kapag merong namatay na tao ng 10 pataas.

“I could not take that. Hindi ako makapaniwala na ang tinatanggap niyo lamang na report ay kapag may namatay na 10 pataas. That is unacceptable,” ani Adiong.

Tila nakakuha naman ng kakampi ang mga mambabatas kay DSWD Usec. Dian Rose Cajipe, Disaster Risk Management Group, matapos nitong ihayag na nakikiisa sila sa pagdinig ng Kongreso dahil maging ang kanilang ahensya ay naniniwala na kung ginawa ng ayos ang trabaho sa lugar ay posibleng naagapan ang insidente.

“It could be prevented kaya we are one with lawmakers in this inquiry to prevent another incident like this,” ani Cajipe.

Binatikos naman ni Deputy Majority Leader Wilter Palma, ng 1st District ng Zamboanga Sibugay ang alkalde ng Maco dahil sa kapabayaan nito na hindi agad pinalikas ang kanilang mga residente sa kabila ng sunod-sunod na landslide sa lugar.

“Nagpabaya ka,” ani Palma na iginiit na hindi ginampanan ng alkalde ang kanyang trabaho.

Kinastigo rin ni Tulfo ang local government maging ang MGB dahil sa pagpayag na magtayo ng mga gusali sa bayan sa kabila ng matagal na itong idineklara na “no build zone” noon pang 2008.

“Bakit niyo pinayagan noong 2017 ang LGU ng eskwelahan doon may mga bata na nag-aaral diyan,” ani Tulfo.

Tags: davao landslide tulfo

Post navigation

Previous Romualdez: US investment windfall a vote of confidence on PH economy
Next Senate OKs Negros Island Region Act

Related Stories

Remulla: Plunder raps vs Joel, Jinggoy over flood control scam coming soon
  • Nation

Remulla: Plunder raps vs Joel, Jinggoy over flood control scam coming soon

Senate minority walks out amid heated debate on online attendance motion
  • Nation

Senate minority walks out amid heated debate on online attendance motion

Remulla doubts Aplasca’s compliance with suspension order
  • Nation

Remulla doubts Aplasca’s compliance with suspension order

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 27 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.