ISINUGOD sa ospital si dating first lady Imelda Marcos sa posibleng pneumonia.
Ito ang ipinarating ni Senator Imee Marcos sa text message sa mga reporters.
“Inospital na namin [for] close monitoring… Suspected pneumonia as she has been having fever [and] cough on [and] off. Given her age, we [have to] take [maximum] precautions,” ayon sa senadora patungkol sa kanyang 94-anyos na ina.
Noong Mayo ng 2023, sumailalim naman sa angioplasty procedure and dating unang ginang.
