SINGER/actress na si Maymay Entrata break na nga ba?
Naging usap-usapan ang pag-unfollow ni Maymay sa kanyang Canadian boyfriend na si Aaron Haskell nitong nakaraang mga araw.
Kalakaran na sa showbiz na kapag unfollow ang mag dyowa sa social media ay matik nang kundi man nagkakalabuan ay break na ang mga ito.
Unang napansin ng mga fans ni Maymay na hindi na nito pina-follow si Aaron. Naka unfollow na din si Aaron sa aktres.
Una nang sinabi ni Maymay na mahirap ang long distance relationship nila ng kanyang bf at kahit pa pilit nila itong ginagawan ng paraan ay hirap pa rin ang mga ito sa oras.
Wala na rin ang mga litrato ni Maymay kasama ang bf kaya posibleng totoo ang balita.
Wala pang statement ang kampo ni Maymay sa issue.
