MAUGONG na maugong ang balitang break na ang aktres na si Bea Alonzo at ang boyfriend nitong si Dominic Roque.
Kung kalian pa malapit nang ikasal ang dalawa ay saka naman lumutang ang balita.
Ayon sa source ng beteranong showbiz reporter na si Ogie Diaz, tila hindi nakamabutihan ang couple at may kaugnayan daw ito sa pre-nuptial agreement ng dalawa.
Sa showbiz program ni Diaz, sinasabing tila nasaling ang pride ng aktor nang sabihan itong pumirma sa pre-nuptial agreement bago ang kasal.
Alam naman ng lahat na mas mayaman ang aktres sa aktor. Ayon sa mga netizen, napansin nilang hindi na suot-suot ng aktres ang engagement ring nito mula nang magtungo ng Japan ang magkasintahan.
Napansin din na mula January 20 ay hindi na nagpo post sa kani-kanilang social media accout ang dalawa.
Wala rin si Dominic sa birthday party ng nanay ni Bea, gayundin si Bea sa okasyon naman ng pamilya ni Dominic.
Sa isang event kung saan endorser ang aktres, sinabi nitong wala pa siyang plano sa kanyang kasal maging ang entourage o ninong, maging ang lugar kung saan gaganapin ang kasal.
Hindi rin napiga ang aktres sa ilang detalye tungkol sa kasal.
Dasal nama ng mga fans ng dalawa na sana ay malutas ang anumang hindi pagkakasundo ng mga ito. Ilan naman ang nagsasabing tila nauntog na si Bea sa kanilang relasyon at nagdesisyon na tuldukan na lamang ito.
