NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na buo pa rin ang UniTeam, ang koalisyon na nagluklok kay Marcos at Vice President Sara Duterte.
Ito ay taliwas sa mga balitang nagkalamat, hindi man, wasak na ang koalisyon.
Sa news briefing sa Vietnam kung saan andun ang Pangulo para sa dalawang araw na state visit, sinabi nito na sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga opisyal sa likod ng alyansa noong 2022, nanatiling malakas at matatag ang koalisyon.
“Uniteam is not just one or two or three parties. It’s the unification of all the political forces to come together for the good of the country,” sabi ni Marcos.
“It is still there, still vibrant, still working, and we will continue to work on that basis,” dagdag pa nito.
