NAGPAPATULOY na ngayon ang prusisyon ng mga deboto sa kapistahan ng Itim na Nazareho at inaasahang higit pa sa isang milyong kalahok ang dadalo sa Traslacion matapos ng tatlong taon pagtigil nito dulot ng pandemya.
Bandang alas-10 ng umaga ay nasa 1,008,000 katao ang kalahok sa ruta ng prusisyon.
Bukod pa ito sa tinatayang 60,500 deboto na naitala sa katulad na panahon ng Quiapo church.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang, ayon kay Rev. Fr. Hans Magdurulang, spokesperson for Nazareno 2024 dahil sa Quirino Grandstand kanina ay mayroon nang 1.3 milyong deboto.
Umalis ang imahe ng Black Nazarene bandang alas 4:45 a.m., sa pagsisimula ng prusisyon.
Bahagi ng selebrasyon ang 400-anyos na black image of Jesus Christ o Nazareno.
Inaasahan na dalawang milyon ang makikiisa sa prusisyon.
