Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Metro

Matataas na kalibre ng baril, pampasabog nasamsam sa San Juan raid

admin January 6, 2024

SA isang pagsalakay natuklasan ang bultong matataas na uri ng baril matapos isumbong ng misis ang kanyang mister sa pag-aari nitong armas at pampasabog gayundin ang pagmamaltrato sa kanya sa San Juan City.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw nitong Biyernes nang salakayin ang bahay ng suspect sa Barangay Balong-Balong.

Dito ay tumambad sa kanila ang mga armas kabilang ang shotguns, assault rifles, pistols, at pampasabog tulad ng Granada. Mayroon ding nakuhang Claymore mines at triggers.

“Hindi namin in-expect na ganto kadami,” sabi San Juan City Police chief Colonel Allan Reglos.

Ang pagsalakay ay bunsod ng reklamo ng misis ng suspect na naka-confine ngayon kasama ang kanyang 3-anyos na anak.

Nagka-trauma na umano ang misis dahil sa pananakot at pananakit ng mister.

“They suffered physical abuse, pati daughter n’ya. Naka-confine po sa isang ospital. Nailahad ng wife kung ano ang mga abuses na nagawa sa kanya. ‘Yun nga po nabanggit doon na tinututukan siya ng firearms, tinatakot s’ya ng mga pampasabog,” sabi ni Reglos.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspect.

“We don’t have any statement yet,” ayon sa abogado ng suspect na si Atty. Karlo Marcilla.

Depensa nito, hobby niya lang ang mangolekta ng baril.

“Naka-register sa kanya one firearms lang, wala pa dito. Base din po sa interview sa wife, ay nagbebenta rin po,” dagdag pa ni Reglos.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspect gayunin ang kasong droga matapos makuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Inaalam din ng San Juan Police kung sangkot sa grupo ng gun running ang suspect.

Tags: san juan raid

Post navigation

Previous 171 sex offenders barred from entering PH in 2023
Next Power supply in Western Visayas back to normal, says ERC

Related Stories

Police release photos of EDSA-Timog shooting suspects; manhunt ongoing
  • Metro

Police release photos of EDSA-Timog shooting suspects; manhunt ongoing

10 hospitalized, 90 evacuated after ammonia leak in Caloocan ice plant
  • Metro

10 hospitalized, 90 evacuated after ammonia leak in Caloocan ice plant

Massive fire engulfs Commonwealth market in Quezon City
  • Metro

Massive fire engulfs Commonwealth market in Quezon City

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.