Courtesy: BFP Candelaria
PATAY ang isang lola kasama ang limang apo nito matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Masalukot 1, Candelaria sa Quezon pasado alas-2 madaling araw ng Sabado, November 25.
Kinilala ang lolang nasawi na si Delia Corales Cruzatat, 69-anyos at ang lima nitong apo na mga nasa edad 21, 18, 16, 10 at 9 taong gulang.
Nakaligtas naman sa sunog ang dalawa pa nilang kasama sa bahay.
Posible umanong hindi na nakalabas ng bahay ang mga biktima dahil sa grills sa mga bintana.
Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang dahilan ng apoy.
