SA unang araw ng taon ng 2022 muling tumaas ang kaso ng Covid-19 sa rehiyon ng Calabarzon kung saan naitala ng Department of Health CHD Calabarzon ang 82 bagong kasong ng Covid-19.
Mayroong 766 active cases na may kabuuang 393,513 ang mga tinamaan ng sakit sa buong rehiyon.Nasa 380,073 na ang mga gumaling habang 12,674 ang mga nasawi.
Ang lalawigan ng Cavite ay nakapagtala ng 362 active cases,sumunod ang Quezon na may 185 active cases,ang Laguna at Rizal ay 84, Batangas 47 at Lucena 4. Panawagan ng kagawaran na magpabakuna na ang mga hindi pa nabakunahan upang mas malabanan ang nakakamatay na sakit.
