TINGNAN: Nakapagtala ang Bulkang Taal ng pinakamataas na Sulfur Dioxide o SO2 Gas Emission nitong ika-9 ng Nobyembre.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may kabuuang 11,499 tonelada kada araw ng SO2 Gas Emission mula sa Taal Main crater ang nasukat na pinakamataas na naibuga ng bulkan ngayong taon.
Matatandaang nag-umpisa na muli itong magbuga ng vog kamakailan, na nasaksihan rin sa rehiyon ng CALABARZON. Sa kabila nito, nananatiling nasa Alert Level 1 Status ang Bulkang Taal. (Go Batangas)
