ISA sa lubos na tinamaan ng pandemya ang mga tsuper ng dyip sa ating bansa.
Hindi pa lahat ay nakababangon at nakababalik sa lansangan ngunit may mangilan-ngilan pa lamang sa kanila ang nagbabaka-sakaling naghahanap ng pagkakakitaan.
Dahil dito, ngayong taon ay napili sila sa muling pagdaos ng taunang “Tuloy Pa Rin ang Pasko” Movement na may layuning makapagbigay ng saya sa mga Pilipino ngayong kapaskuhan.
Ang kompanyang Metro Pacific Tollways South o MPT South na isa sa mga subsidiary ng Metro PAcific Tollways Corporation (MPTC), infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation(MPIC), kabilang ang Cignal TV ,TV5 at iba pang MVP Group of Companies ay nagsagawa ng isang makabuluhang kapaskuhan.
Ipinamahagi ang 50 Noche Buena packages na panghanda sa darating na pasko para sa mga napiling tsuper at operator ng Paliparan-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association(PABODA), na may rutang Dasmarinas, Cavite hanggang Paranaque via Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).
Ayon kay Arlette Capistrano, MPT South spokesperson at AVP for Communication and Stakeholder Management, ang Noche Buena ay naging simbolo ng bawat Pilipino sa kasiyahan ang bagong pag-asa tuwing bisperas ng Pasko.
“Sa munting regalong ito, aming hinihiling na sana’y kanilang madama at matamasa ang pagdiriwan ng Pasko habang sama-sama.”
Matatandaan na noong nakaraang taong 2020, nagsagawa rin ang MPT South ng road safety program na tinawag nilang “Drayberks”.
Isa itong social advocacy ng toll road company para maisulong ang road safety sa kahabaan ng expressway sa mga drayber at operator ng PABODA bilang pagsuporta na rin sa kanilang pagbabalik operasyon.
Layunin ng Tuloy Pa Rin ang Pasko Movement ang magpaabot ng tulong sa mga komunidad na apektado ng pandemya at iba pang kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga Noche Buena goods at iba pang essential items para mapasaya at maging maligaya ang pagdiwang ng Pasko.
Ito ay proyekto ng MVP Group of Companies at foundations sa ilalim ng pamumuno ng chairman na si Manuel V Pangilinan.
Ang MPTC ay ang pinakamalaking tollway builder at operator sa Pilipinas. Bukod sa CAVITEX,hawak din nito ang ang concession rights ng Cavitex C5 Links, Cavitex-Laguna expressway (Calax), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road at CebuCordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.
