Photo courtesy BFP
SA gitna ng pananalasa ng super typhoon ‘Egay’, apat ang nasawi sa landslide sa bayan ng Buguias, Benguet, ayon sa isang opisyal.
Sa isang panayam sa Radyo 630 nitong Miyerkoles ng gabi, sinabi ni Benguet PDRRMO officer Azrel Malucay na natabunan ang bahay ng mga biktima dahil sa landslide. Magkakamag-anak ang mga biktima.
Dalawa din ang nasugatan, ani Malucay.
Narekober na umano ang mga labi ng mga nasawi.
Wala nang kuryente sa karamihan na mga lugar sa Benguet, ayon rin kay Malucay.
Ayon sa Benguet PDRRMO sa isang post sa Facebook, naapektuhan ang mga sumusunod na daan dahil sa landslide:
Kennon Road
Benguet-Nueva Vizcaya Road
Cong. Andres Acop Cosalan Road
Shilan-Beckel Road
Asin-Nangalisan-San Pascual Road
Baguio-Bontoc Road
Abatan-Mankayan-Cervantes Road
Gov. Bado Dangwa National Raod
Baguio-Bauang Road
Baguio-Itogon Road
