NAGING usap-usapan ang mga pinakawalang detalye ng basketball player na si Ricci Rivero tungkol sa kanila ng aktres na si Andrea Brillantes.
Sa interview, sinabi ni Ricci na halos magkalive-in na sila ni Andrea pero nakiusap umano ang nanay ni Andrea na kailangang uuwi-uwi rin sa kanilang bahay ang aktres.
“We sometimes sleep together,” sabi ni Ricci.
Nagpaunlak ng interview ang basketbolista sa harap ng maintrigang paghihiwalay nila ng aktres. Sinasabing nahuli ni Andrea na may babae sa condo na tinitirhan nila ng basketbolista.
Mahigpit naman itong itinanggi ni Ricci at sinabing kasama ng kaibigan niya ang babae. Pero, inamin nito na pinagseselosan ni Andrea ang babae.
Sinabi rin ni Ricci na hindi na sana siya magpapainterview pa matapos aminin na break na sila ng aktres, pero pati ang pamilya niya ay apektado na rin.
Minsan daw ay may lumapit sa kanyang pamilya habang namamasyal sa mall at sinabihan silang “your son is a cheater.”
Hindi rin umano makapapayag ang basketbolista na pati ang pamilya niya ang nasasangkot sa paghihiwalay nila ni Andrea.
