Aabot sa higit 110,000 trabaho ang available sa job fairs na idaraos ng Department of Labor and Employment sa iba’t ibang panig ng bansa sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Karamihan sa mga available na trabaho ay nasa administrative and support services, manufacturing, wholesale and retail trade, at repair of vehicles and motor.
Ang bawat rehiyon sa bansa ay magkakaroon ng mga job fair sa iba’t ibang venue na maaaring makita sa website ng DOLE Bureau of Local Employment.
Para makita ang listahan ng mga isasagawang nationwide job fairs, bumisita lamang sa https://ble.dole.gov.ph/2023-kalayaan-job-fair/
